If you could just read this, Boy! T____T
Unknown^^ Must Read!
Nagkakilala kami sa maling oras at panahon. Nagmistulang tumulong sakanya upang maiahon siya sa matinding nararamdaman na di niya inaasahan. Sa una ay hindi ko aakalaing magiging matindi ang aming pagsasama, unti unti naming nakilala ang isa’t isa hanggang sa nagdulot ng kakaibang nararamdaman na walang kasiguraduhan. Sa mga pagkakataong kaylangan namin ang isa’t isa kami ay laging handa, lalo na kapag kami ay nalulungkot. Hindi nagtagal dumating ang oras upang isipin kung anu ng estado ng aming relasyon. Naging malapit kami sa isa’t isa at ninais na sumobra pa sa pagiging magkaybigan. Subalit sa tuwing aming susubuking pag usapan, may mga bagay bagay na humahadlang. Hindi namin namamalayan na siya ay kagagaling lamang sa matinding kabiguan at ako naman ay nakatali sa mundo ng iba. Isang pagkakamaling hindi sinasadya pero kayang ipaglaban ng kahit sino man. Paano ang gagawin?? tumindi ang tensyon dahil sa mababaw na dahilan. isang lalaking unti unting nahulog sa binibini at isang babaeng hindi inasahang magmamahal ng napakadaling panahon. Sa dinami rami ng mangyayare, bakit ang ganitong sitwasyon pa?? Ni-halos hyidni na maipaliwanag ang mga pagkakataong nangyare, hindi nmn maikumpronta dahil natatakot sa hinhintay na sagot.Hindi naging madaqli ang pangyayre, nang tumagal, madaming pagkakataon na nasaktan at umiyak, at dahil sa mga pasanin na iyon nalaman ang tunay na ugali ng taong minahal sa maling oras at panahon. Nagsisisi sa desisyon na ginawa, siya ay isang pagsubok lamang kung gaano katatag ang pagsasama ng isang relasyon na hindi perperkto. Maraming araw, buwan ang nakalipas, naging manhid sa nararamdaman. Heto nanaman at nagsisimula muli sa tinalikurang nakaraan. Maayos na at walang ibang inaalala ang isang butihing babae, nang hindi inaasahan ay biglang nagbalik ang lalaking bumigo sa binibini. Halos umikot lang ang kwento dahil nangyare ulit ang mga hindi inaasahan. Ako ay masaya, siya ay masaya. pero gulong gulo sa kanyang ipinaparamdam sa babae. may gustong iba, subalit ayaw mawala sknyang buhay?? Dapat bang magpakatanga o iwasan ang tulad niyang nagpapaasa?? Sa ngayon ayw ng lalake na mawalay siya sa buhay ng babae. Kaya ang pagsasama ngayon ay napaka komplikado, kaya naman isinisantabi nalang namin ang mga katanungan hanggat sa aming makakay.
—
UNKNOWN..